Thank You to my Teachers



2 nights ago ng matapos kong basahin yung book ni Bob Ong na ABNKKBSNPLAKO (yes, ngayong 2012 ko lang siya nabasa. Lol!). Kahit graduate ka na from College like me, maganda pa rin siyang basahin lalo na sa mga estudyante dyan. Sa ending ng book medyo naluha pa nga ako kasi sobrang na-miss ko yung High School days ko. Naalala ko tuloy sa book na ito ang mga kalokohan at masasayang memories ko noong High School. Nakakamiss talaga. :')

Ano ba yan, ba't ba ako nagpapaka-senti? Ayun! Naalala ko na. :Dv Dahil din sa book na yan, naalala ko yung mga Teachers na minahal ko talaga at naramdaman ko ang care nila sa akin. Noong Elementary si Ms. Alice. Favorite Teacher ko siya nung Grade 5 ako dahil sa nakakatuwa siyang guro. Puro tawanan kami sa klase noon. Masaya yung class namin basta siya yung Teacher kahit mahilig siyang mangurot ng napakahina sa singit sa mga babae kapag nakikipagbiroan sa mga estudyante. (di siya tomboy!) Hehe. :)

Tapos noong High School naman meron akong sobrang favorite teacher, si Ms. Maricar. Nakakatuwa din siyang Teacher tapos kapag may estudyante na makulit sumasagot siyang ng palilosopo dito na nakakatawa. Basta, alam niya kung paanong sumagot sa makukulit na estudayante. Mabait talaga siya kaya halos lahat kami favorite Teacher namin siya tapos magaling pa magturo. Sa lahat ng mga naging Teachers ko, nakitaan ko siya ng sincerity sa lahat ng estudyante lalo na noong nagkaroon kami ng graded recitation. Diba pag ganun, dapat lahat magrecite para meron kang grade, kung di ka sasagot zero ka. Tapos nasaktuhan na ako ang natawag (sobrang kinakabahan ako noon tapos di pa ako masyadong nakapag-aral). Medyo nasagot ko ata (di ako sigurado) yung tanong niya pero kulang pa rin pero nakatingin sa akin siya  at sinabing "Sige, kaya mo yan, hija." (mahilig kasi siyang magsabi ng hija. :D) na ramdam na ramdam ko yung sincerity niya at alam kong naniniwala siya sa akin. In the end, di ko din nasagot kasi  nga di ako masyadong nakapag-aral. Pero after nun, sobra kong minahal yung Teacher na yun kasi sa lahat ng mga Guro ko siya lang ang naniwala sa akin. Siya lang talaga. :D


Tapos yung isang Teacher naman na kinomplement niya yung work ko nung High School, si Ms. Leah. Okay naman siyang Teacher. Mabait talaga siya kaya close sa halos lahat ng mga estudyante. A few days after namin ma-submit yung sulating pangwakas (filipino teacher namin siya), pinatawag niya ako. Sobrang kinabahan ako kasi di naman ako laging pinapatawag ng mga teachers. Natakot nga ako noon kung ano yun. Pagkaharap ko sa kanya, ang bilis ng tibok ng puso ko ng bigla niyang sinabi na, "Alam mo, may talent ka sa pagsusulat. Ikaw ba talaga ang nagsulat dun sa maskara? Ang galing, napahanga mo ako." (parang mala-ganyan or ganyan ata yung pagkakasabi niya.) Nagulat ako at labis na natuwa kasi first time lang ako ma-complement ng isang Teacher sa ginawa kong work dahil di naman ako matalino. Kaso for sure, nakalimutan na niya na sinabi niya iyon sa akin kasi super tagal na ng panahon na  yun, pero thank you pa rin  sa kanya! :))))) ♥ Isa talaga iyon sa magagandang memories ko noong 3rd year High School ako. :)))) Sayang lang at naitapon na ng kasambahay namin yung sinulat kong iyon na "Maskara". Inirelate ko kasi yung mask sa love kaya nga iyon ang title ng blog ko. Lol! :P

We must thank our Teachers dahil sila ang tumayong pangalawang magulang natin kasi halos buong oras natin habang nag-aaral ay nasa eskwelahan kasama sila. Nakakapagod ang pagsuway, makinig, magbigay ng payo at magtiyagang magturo sa sang katutak na mga bata kaya dapat maisip din ng mga estudyante na grabeng sakripisyo din ang maging Guro lalo na't maliit lamang ang sweldo nila at may kanya-kanya pa silang problemang kinakaharap pagkauwi sa bahay. Dati nung bata ako sabi ko, ang hirap maging estudyante dahil kailangan magpuyat sa pag-aaral, paggawa ng assignments at projects pero mas mahirap maging Teacher dahil napupuyat din sila sa pag-aaral sa mga ituturo nila kinabukasan, pagcheck ng mga homeworks at projects tsaka sa pagcompute ng mga grades. Stressful ang trabaho nila kaya bilang mag-aaral, obligasyon ninyo na mag-aral ng mabuti para mapasaya ninyo sila dahil nakakataba ng puso para sa kanila na naiindintihan ninyo ang mga itinuro nila sa inyo. ^___^
***

Btw, this week ko na malalaman kung anong resulta ng manuscript ko. Sana makapasa ako talaga! :D Gustong-gusto ko ng malaman kung approved ba or reject pero patience is a virtue kaya dapat akong maging patient! :) No matter what the result is, God is in control and I'll continue to trust in Him. Kung di ma-approve, ayos lang kasi part naman iyon ng pagiging writer at tatanggapin ko yun ng maluwag. :D


To end this post, I'd like to share this quote I saw on Tumblr.

Ang ganda diba ng message? :))) I'll always keep that in mind. :D

Have a blissful day everyone and hope all of our dreams come true! ♥

0 comments:

Post a Comment

Your comment is highly appreciated! Thank you so much! :)