Live Like We're Dying



Last Saturday, nagkita kami ng best friend ko para sabay kaming pumunta sa libing ng Mom ng friend namin. Yung friend ko ang mas nauna sa akin and akala ko hihintayin niya ako sa LRT yun pala umalis na siya doon at pumunta na sa sakayan namin ng jeep. Actually, di talaga ako familiar sa place na yun  kaya nagtanong-tanong ako sa mga guard dahil di kami nagkakaintindihan ng bestfriend ko. Lol! XD Until nakita ko na ang friend ko sa labas na nasa kabilang kalsada, naglakad ako ng medyo malayo hanggang sa makarating sa pedestrian (Note: Di talaga ako magaling tumawid at wala pa akong kasabay!) at tumawid doon na nagmamadali dahil kanina pa ako late. Nang malapit na akong makalagpas sa tawiran, merong sasakyan na rumaragasa na paparating sa akin! I really tried to stop dahil baka masagasaan ako kaso naka heels ako and medyo  pababa yung floor kaya ayun natapa ako sa gitna ng daan!!! As in!! Tapos mga 1cm na lang, masasagasaan ng kotse yung paa ko! Grabe! Kinabahan ako doon pati yung best friend ko! Thank God talaga because muntikan na! :O

Lesson Learned: Wag magmadali ng sobra-sobra dahil mapapa-panic ka talaga which may result to disaster. Kung male-late or late ka na okay naman magmadali pero wag naman yung natataranta na.
Safety first din dapat lalo na pagtatawid kahit nagmamadali. :)

Dumating na kami sa place na pupuntahan namin. Nung nagstart na yung ceremony, naluluha na yung best friend ko dahil at the age of 23, wala na yung Mom ng kaibigan namin. Nakakalungkot talaga. Tapos nung nagpalipad na ng white balloons sila tapos nag, "I love you Mama" yung friend ko, grabe! Dun na bumuhos yung luha ko kasi naawa ako sa friend ko kasi alam kong love niya talaga yung Mom niya.

Lesson Learned: It made me realize during that time that our life is really, really, really precious. You may encounter accidents, sickness or something kaya  dapat we must spend our lives wisely and live like we're dying! :) Also, we must show our love to our loved ones before it's too late!

To end this post, here's Kris Allen, Live Like We're Dying (This is one of my favorite songs!)

2 comments:

Sey said...

hi, thanks for visiting my blog. Like you, I also love vintage, pastel colors, photography (though I am not one) and novels.

May naalala ko sa kwento ng friend mo. Pero happy ako na naka-recover na siya, natanggap niya yung pagkawala ng mama niya at ngayon she's living a happy life. Sana maging okay na rin ang friend mo. Alam ko din ang feeling kung paano mawalan ng magulang (thought it's my father for me).

Dati meron akong poster sa kwarto ko and it says "TODAY IS YOUR LAST DAY ON EARTH" so it would serve as my motivation to live each day to the fullest.

When in a middle of a difficult situation (compared to the alsmost accident that you encounted) dapat talaga calm lang tayo. Mahirap gawin pero we have to do it so we can come up with the right things to do and the right decisons to make.

Kristeta  (kalokang Pinay) said...

I'm so sorry about your friend. It must be really painful to lose someone so special.

And I am so glad nothing happened to you. Ako, i believe na "pag late ka na ay late ka na" So wag na magpanic, let that be the worst that could happen. Kapag may nangyari sa pagkataranta mo, it could lead to disaster. Ingat next time sis. =) (Although I could understand kung bakit ayaw mong malate on this occasion).

Thanks for greeting me for my blog anniversary =)

Post a Comment

Your comment is highly appreciated! Thank you so much! :)