Live Like We're Dying



Last Saturday, nagkita kami ng best friend ko para sabay kaming pumunta sa libing ng Mom ng friend namin. Yung friend ko ang mas nauna sa akin and akala ko hihintayin niya ako sa LRT yun pala umalis na siya doon at pumunta na sa sakayan namin ng jeep. Actually, di talaga ako familiar sa place na yun  kaya nagtanong-tanong ako sa mga guard dahil di kami nagkakaintindihan ng bestfriend ko. Lol! XD Until nakita ko na ang friend ko sa labas na nasa kabilang kalsada, naglakad ako ng medyo malayo hanggang sa makarating sa pedestrian (Note: Di talaga ako magaling tumawid at wala pa akong kasabay!) at tumawid doon na nagmamadali dahil kanina pa ako late. Nang malapit na akong makalagpas sa tawiran, merong sasakyan na rumaragasa na paparating sa akin! I really tried to stop dahil baka masagasaan ako kaso naka heels ako and medyo  pababa yung floor kaya ayun natapa ako sa gitna ng daan!!! As in!! Tapos mga 1cm na lang, masasagasaan ng kotse yung paa ko! Grabe! Kinabahan ako doon pati yung best friend ko! Thank God talaga because muntikan na! :O

Lesson Learned: Wag magmadali ng sobra-sobra dahil mapapa-panic ka talaga which may result to disaster. Kung male-late or late ka na okay naman magmadali pero wag naman yung natataranta na.
Safety first din dapat lalo na pagtatawid kahit nagmamadali. :)

Dumating na kami sa place na pupuntahan namin. Nung nagstart na yung ceremony, naluluha na yung best friend ko dahil at the age of 23, wala na yung Mom ng kaibigan namin. Nakakalungkot talaga. Tapos nung nagpalipad na ng white balloons sila tapos nag, "I love you Mama" yung friend ko, grabe! Dun na bumuhos yung luha ko kasi naawa ako sa friend ko kasi alam kong love niya talaga yung Mom niya.

Lesson Learned: It made me realize during that time that our life is really, really, really precious. You may encounter accidents, sickness or something kaya  dapat we must spend our lives wisely and live like we're dying! :) Also, we must show our love to our loved ones before it's too late!

To end this post, here's Kris Allen, Live Like We're Dying (This is one of my favorite songs!)

Lantern Festival




After kong ma-watch yung movie na Tangled, sobrang nagustuhan ko na yung mga Floating Lanterns! :))) Ang ganda kasi tsaka very enchanting yung dating! Feeling ko kung sino man naka-watch na nung movie na yun, pag narinig yung word na "Lantern" or "Floating Lanterns", unang papasok sa isip nila yung Tangled, like me! :P

Gusto ko tuloy magpalipad ng lanterns or sumali kapag may event! :D Sabi ng kapatid ko, sa UST meron daw ata or anytime dun pwede. Kung ganun, go na ako next time pero mas masaya pag may event na lang para hindi ikaw lang magpapalipad kundi marami kayo! :))))

Favorite scene ko sa Tangled...Awww

Christian Bale look a like!



Sinong fan dito ng The Dark Knight series? *raises hand* Ako! :)))
Actually, since bata pa ako di ako fan ng mga action films kasi natatakot at baka di ako makatulog (yes, may pagka-scaredy cat po ako. haha!) Tapos nung 18 years old ako noong first time akong manuod ng ganung type ng movie dahil pinilit ako ng friends ko kaya kahit ayaw ko, nanuod na din ako pero infairness, nagustuhan ko yung pelikula kasi ang astig ng bida dun! Yun nga lang, di pa rin ako kumbinsido na manuod ng action films.

19 years old naman ako nung kakatanggap lang namin ng bestfriend ko sa company na pag-oojthan namin ng kinonvince niya ako na manuod ng The Dark Knight. Ako naman umayaw kasi natatakot ako dahil yung kontrabida dun, si Joker (Heath Ledger) eh wala na tapos scary na psychotic yung role pa niya sa film kaya sobrang takot ako. In the end, nanuod din kami ng movie. Start pa lang ng pelikula, ang cool ng scene! Nagustuhan ko siya kahit di ako mahilig sa ganoon. :) Tapos nung lumabas si Batman oh, tawa ako ng tawa! XD Bakit? Kasi nakakatawa yung boses niya, ang lalim lalim na para bang galing sa balong malalim habang nag-gagargle. Parang kinikiliti niya yung tenga ko kaya natatawa ako! Haha! XD Pero towards the story, di na ako natatawa at nasanay na ako sa boses ni Christian Bale dun as Batman. Tapos eventually nagka-crush na din ako sa kanya. Gwapo niya kasi eh!

Sa mga di pa nakakapanuod nun, watch niyo muna Batman Begins and then The Dark Knight. Promise! Ang ganda ng movie! Maniwala kayo sa akin kasi dahil sa TDK, ako na di mahilig sa action ay nahilig dahil sa pelikulang ito! Galing talaga ng director nun, si Christopher Nolan! :))) Ang gwapo pa! >__< (Yes, crush ko din siya! Haha)

Sorry, ang haba ng unang tinype ko. Nagkwento pa kasi ako. Pagpasensyahan niyo na po. XD Anyways, kahapon lang nanuod kami ng kapatid ko ng mga videos sa Youtube ni Michelle Phan (fashion guru) tapos meron siyang uploaded video doon na short film na love story, Underneath Your Love. Tapos napansin ko na yung gwapong bidang guy dun ay kamukha ni Christian Bale! (pero mas lovey doves ko pa rin si Christian my love!) Miles Fisher yung name ng guy dun and andun siya sa movie na Final Destination 5.


Left- Christian Bale Right-Miles Fisher
May pagkakahawig sila noh? :) Pero si Miles medyo hawig niya din si Tom Cruise ng onti. Grabe! Ba't ang daming gwapo sa mundo? >___<

Infairness ang charming ng itsura ni Miles
The gorgeous Christian Bale

Ikaw, sino mas gusto mo si Miles or Christian? Speaking of Christian Bale, super duper excited na ako sa upcoming movie niya na 3rd installment and last movie niya as Batman, The Dark Knight Rises. Sad na matatapos na yung trilogy pero excited kasi makikita ko nanaman si Christian sa big screen this July! ;D Mas lalo pa akong na-excite i-watch yung movie kasi sabi ni Gary Oldman (Comissioner Gordon sa TDK and isa sa cast ng TDKR) Epic daw ang ending! >___< Grabeness! Excited na talaga ako! :))))




Droplets of Inspiration


I just wanna post some inspirational words I got from Pinterest! I'm loving that site kasi punong-puno siya ng mga uplifting and motivational quotes. Plus, as a crafter may mga photos din doon about sa crafts! So here are some of the inspirational photos about dreams I saw from the site!


Also, hard work is the key for fulfilling our dreams so never, never, never give up! :)))

Is this familiar to you? Song ito from Judy Garland's movie, Wizard of Oz. I've seen this movie noong bata pa ako at sepia pa yung video quality na meron kami kasi galing pa  siya noong 1940's. Pero ngayon meron ng colored version ng movie dahil sa technology natin ngayon. :) Anyways, sobrang like ko yung lyrics nitong song na, Somewhere over the Rainbow. Napaka-enchanting and magical ng lyrics saka gusto ko yung last part na Dream really do come true. Ganda diba?

Yes, so true! :)))

I believe so too! :D (aba! rhyming yung sa sinabi ko sa taas tsaka dito ah! :P)

One of my favorite scripture! :) Syempre God knows what's best for us kaya we must put our trust in Him and never ever doubt his decision! Also, ask for God's guidance and He will direct you to the path He wants you to go. :)


I also believe in this one! Never get scared on dreaming big. Ika nga ng iba, libre lang ang mangarap kaya wag ka talagang matakot. Yung ibang tao kasi ayaw nilang lakihan ang pangarap nila kasi feeling nila di naman matutupad kaya mga maliliit na bagay na lang ang ninanais nila. Naku guys! Kung may dream kang gustong matupad pagsumikapan mo at magpursige tsaka maging patient para unting-unti maabot mo ito. Syempre, kasama na din ang prayers para ma-attain mo ito, okay? :) 


To end this post, I'd like to share this wonderful quote from one of my heroes:
"You are never too old to set another goal or to dream a new dream."
-C.S. Lewis

Have an awesomeday! May all of our dreams come true!



Follow my blog with Bloglovin

Pray Persistently



Araw-araw lagi kong binabasa sa YouVersion yung Devotional Plan ko na Joyce Meyer : "Promises for your everyday Life". Kung may smartphone kayo, you may download it. It's a mobile bible (bible app) tapos pwede din ninyo i-check yung mga Plans and magandang  Devotional Plan yung kay Joyce Meyer kasi ang dami kong natututunan plus it's good for the soul pa! It's really highly recommended. :)

2 nights ago, I've read something on my Devotional Plan. It's about pray persistently. This is what Joyce Meyer said:

About twenty years ago, this next sentence changed my life: “You do not have because you do not ask God.” This short verse opened a door for me to discover the life-changing power of persistent prayer.
At that time in my life, I was stressed out about a lot of different things. I was trying to make my ministry grow, trying to make my husband do this or that, trying to make my kids act a certain way, trying to make other people do the things I wanted, trying to basically do absolutely everything on my own. As you can probably guess, it wasn’t working!
As a burned-out, frustrated young Christian, I realized one day that living in my own strength was useless. I needed to take my problems to God. In other words, I needed to pray more!
When we understand God’s love for us and His plan for us, then we can begin to realize the doors that He wants to open for us. But we’ll only realize these things when we’re constantly talking with Him, listening to His voice, and growing deeper in our relationship with Him.
In Matthew 7:7 (AMP), Jesus tells us, “Keep on asking and it will be given you; keep on seeking and you will find; keep on knocking reverently and the door will be opened to you.”
So many times, when we reach the end of our rope, we turn to prayer, but when our prayers are not instantly answered, we give up. Today, I want to encourage you to not only pray, but to pray persistently. Don’t stress out trying to make things happen on your own. Give it all to God as you pray.
Remember, He promises that when we seek Him, we will find Him. Let’s pray and seek Him with all our hearts.
Prayer Starter: God, remind me to bring my problems to You. I’m tired of living in my own strength. I need Your guidance and Your direction. As I seek You daily, I will put my trust in You.
Nagflashback sa'kin after kong mabasa yan noong nag-aaral pa ako. I was so scared kasi baka bumaksak ako sa 2 subjects ko noon kaya I persistently prayed every night. Lagi kong pinagpi-pray na sana i-touch ni God yung hearts ng  dalawang Prof ko na wag akong i-fail at maawa sana sila sa akin kung balak man nilang gawin yun. Sana marealize din nila na sana bigyan nila ako ng chance para ipasa nila. Tapos nung day na malalaman ko na yung final grade ko, pray pa rin ako ng pray at pagkatingin ko sa grades ko, wala akong bagsak! Yessssssss!!!!!! \(^_____^)/ Feeling ko kasi sa dalawang subjects ko na Economics and Business Law (Take Note: Parehas na SOBRANG hirap ng subjects ko nun tapos mababagsik pa mga Prof ko dito pero mabait naman sila.) I really thanked God for that kasi it was Him who talked to my Professors to let me pass! God is good all the time!
Marami pa din akong bagay na pinagpray na natupad ni God. He gave me most of the things that I've prayed for kasi He is our Heavenly Father meaning anak niya tayo at bilang Ama natin siya na nasa langit, mahal niya tayo kaya ibinibigay niya ang kung ano mang naisin natin pero teka lang ha, hindi lahat binibigay niya at wag magtampo kung di mo man makuha ang pinagdasal mo sa kanya. Kung di mo pa iyon nare-receive, ibig sabihin hindi iyon para sa iyo dahil meron siyang mas maganda pang inihanda para sayo o di kaya naman kailangan mong maging patient until makuha mo ito. Basta continue to trust in Him. Alam niya kung ano ang dapat sayo. Why? Because He is God! :)))))
Yun nga lang may mga times na feeling ko kaya ko naman gawin ang ibang bagay kaya di ko na lang iyon pinagpi-pray tapos in the end, di ko nagagawa. Nung mabasa ko ito, narealize ko na dapat di ako umaasa sa sarili kong strength dahil di lahat ng bagay ay kaya ko at kailangan ko pa rin si God. Hopefully ikaw din na nagbabasa ngayon marealize din ito. : 
By the way, Ms. Joyce Meyer also has a twitter account follow niyo siya kasi nagfofollow back din siya! :D Plus, lagi siyang nagpopost ng about God and Life. Here's her twitter: https://twitter.com/joycemeyer
Also, kung may ipapa-prayer request kayo sa kanya, here's  the link: http://www.joycemeyer.org/EverydayAnswers/RequestPrayer.aspx
Have a Blessed day full of love and joy!

Daddy-Long-Legs


It was because of this anime, I got inspired to become a novelist. The story is called Daddy Long Legs was originally written by the awesome novelist, Jean Webster and then it was adapted into an animation. It's about Judy, an orphan who has given the opportunity to study by a mysterious benefactor. She has only seen his shadow once and because of his long legs, Judy eventually calls him as "Daddy Long Legs". In return of her education, she needs to write him letter every month with no expectation of them being responded to.

The story revolves about her ups and downs as a novelist, friendship and to her love interest the uncle of her friend, Jervis Pendleton. :)

Jervis and Judy!I really love his dimples!

I hope to meet my Jervis someday! :)
Btw, Judy and Jervis has a huge age gap. Probably Jervis is 10-14 years older than her. In spite of that, I'm not against it. For me, it's alright if a man is a lot more older than a girl as long as he truly loves her and their maturity level is the same. :) Well, actually I'm usually attracted with men who are way older than me probably because I just have that Daddy Complex. My Dad is not always with us all the time because he's a Seaman (before)...Just saying. :P

Judy's Friends! :) Sallie (wearing an eyeglasses) and Julia, the niece of Jervis (blonde girl)
It was summer vacation when I first watched this anime. I was incoming 2nd year High School during that time. At first, I find this kinda boring but as soon as I watch it, it became more interesting especially when Jervis came in the story! It's definitely a must watch or you may also read the book! :))) I actually enjoyed watching and reading it! Yes, I've also read the book and it was so gooooddd! :Dv

I'm so glad I was able to watch this because it really made me realize to love writing and wanted to become a novelist since I enjoy imaging stories when I was a kid! :) But then after 2 years, I stopped making stories. Until in College, I never write. It was only last year of November when I decided  to write again. I tried to write a story on Wattpad, Last Year of School Romance. I was surprised that people actually read it and got twitterpatted with ending! :))) It feels so overwhelming reading those positive comments as a writer! :D 
I wish that I'll come up with more wonderful stories in the future. I also thank God for giving me this talent. I can imagine lots of things for my story but then I still lack on my writing skills. I'll always work hard  to be good at it...my goal to become a great novelist! :)

Thank You to my Teachers



2 nights ago ng matapos kong basahin yung book ni Bob Ong na ABNKKBSNPLAKO (yes, ngayong 2012 ko lang siya nabasa. Lol!). Kahit graduate ka na from College like me, maganda pa rin siyang basahin lalo na sa mga estudyante dyan. Sa ending ng book medyo naluha pa nga ako kasi sobrang na-miss ko yung High School days ko. Naalala ko tuloy sa book na ito ang mga kalokohan at masasayang memories ko noong High School. Nakakamiss talaga. :')

Ano ba yan, ba't ba ako nagpapaka-senti? Ayun! Naalala ko na. :Dv Dahil din sa book na yan, naalala ko yung mga Teachers na minahal ko talaga at naramdaman ko ang care nila sa akin. Noong Elementary si Ms. Alice. Favorite Teacher ko siya nung Grade 5 ako dahil sa nakakatuwa siyang guro. Puro tawanan kami sa klase noon. Masaya yung class namin basta siya yung Teacher kahit mahilig siyang mangurot ng napakahina sa singit sa mga babae kapag nakikipagbiroan sa mga estudyante. (di siya tomboy!) Hehe. :)

Tapos noong High School naman meron akong sobrang favorite teacher, si Ms. Maricar. Nakakatuwa din siyang Teacher tapos kapag may estudyante na makulit sumasagot siyang ng palilosopo dito na nakakatawa. Basta, alam niya kung paanong sumagot sa makukulit na estudayante. Mabait talaga siya kaya halos lahat kami favorite Teacher namin siya tapos magaling pa magturo. Sa lahat ng mga naging Teachers ko, nakitaan ko siya ng sincerity sa lahat ng estudyante lalo na noong nagkaroon kami ng graded recitation. Diba pag ganun, dapat lahat magrecite para meron kang grade, kung di ka sasagot zero ka. Tapos nasaktuhan na ako ang natawag (sobrang kinakabahan ako noon tapos di pa ako masyadong nakapag-aral). Medyo nasagot ko ata (di ako sigurado) yung tanong niya pero kulang pa rin pero nakatingin sa akin siya  at sinabing "Sige, kaya mo yan, hija." (mahilig kasi siyang magsabi ng hija. :D) na ramdam na ramdam ko yung sincerity niya at alam kong naniniwala siya sa akin. In the end, di ko din nasagot kasi  nga di ako masyadong nakapag-aral. Pero after nun, sobra kong minahal yung Teacher na yun kasi sa lahat ng mga Guro ko siya lang ang naniwala sa akin. Siya lang talaga. :D


Tapos yung isang Teacher naman na kinomplement niya yung work ko nung High School, si Ms. Leah. Okay naman siyang Teacher. Mabait talaga siya kaya close sa halos lahat ng mga estudyante. A few days after namin ma-submit yung sulating pangwakas (filipino teacher namin siya), pinatawag niya ako. Sobrang kinabahan ako kasi di naman ako laging pinapatawag ng mga teachers. Natakot nga ako noon kung ano yun. Pagkaharap ko sa kanya, ang bilis ng tibok ng puso ko ng bigla niyang sinabi na, "Alam mo, may talent ka sa pagsusulat. Ikaw ba talaga ang nagsulat dun sa maskara? Ang galing, napahanga mo ako." (parang mala-ganyan or ganyan ata yung pagkakasabi niya.) Nagulat ako at labis na natuwa kasi first time lang ako ma-complement ng isang Teacher sa ginawa kong work dahil di naman ako matalino. Kaso for sure, nakalimutan na niya na sinabi niya iyon sa akin kasi super tagal na ng panahon na  yun, pero thank you pa rin  sa kanya! :))))) ♥ Isa talaga iyon sa magagandang memories ko noong 3rd year High School ako. :)))) Sayang lang at naitapon na ng kasambahay namin yung sinulat kong iyon na "Maskara". Inirelate ko kasi yung mask sa love kaya nga iyon ang title ng blog ko. Lol! :P

We must thank our Teachers dahil sila ang tumayong pangalawang magulang natin kasi halos buong oras natin habang nag-aaral ay nasa eskwelahan kasama sila. Nakakapagod ang pagsuway, makinig, magbigay ng payo at magtiyagang magturo sa sang katutak na mga bata kaya dapat maisip din ng mga estudyante na grabeng sakripisyo din ang maging Guro lalo na't maliit lamang ang sweldo nila at may kanya-kanya pa silang problemang kinakaharap pagkauwi sa bahay. Dati nung bata ako sabi ko, ang hirap maging estudyante dahil kailangan magpuyat sa pag-aaral, paggawa ng assignments at projects pero mas mahirap maging Teacher dahil napupuyat din sila sa pag-aaral sa mga ituturo nila kinabukasan, pagcheck ng mga homeworks at projects tsaka sa pagcompute ng mga grades. Stressful ang trabaho nila kaya bilang mag-aaral, obligasyon ninyo na mag-aral ng mabuti para mapasaya ninyo sila dahil nakakataba ng puso para sa kanila na naiindintihan ninyo ang mga itinuro nila sa inyo. ^___^
***

Btw, this week ko na malalaman kung anong resulta ng manuscript ko. Sana makapasa ako talaga! :D Gustong-gusto ko ng malaman kung approved ba or reject pero patience is a virtue kaya dapat akong maging patient! :) No matter what the result is, God is in control and I'll continue to trust in Him. Kung di ma-approve, ayos lang kasi part naman iyon ng pagiging writer at tatanggapin ko yun ng maluwag. :D


To end this post, I'd like to share this quote I saw on Tumblr.

Ang ganda diba ng message? :))) I'll always keep that in mind. :D

Have a blissful day everyone and hope all of our dreams come true! ♥